Ama hinataw ng anak sa ulo, dedo

WALANG umagang nagisnan pa ang isang ama matapos itong hatawin sa ulo ng kanyang sariling anak ng malaking tipak ng bato sa loob mismo ng kanilang tahanan sa lalawigan ng Surigao del Sur, sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa report, patay na nang dinala sa Cortes Municipal Hospital ang biktima na kinilalalang si Rogelio Aguhob Urbiztondo, 62-anyos ng Purok 6, Brgy. Poblacion sa bayan ng Cortes, lalawigan ng Surigao del Sur.

Arestado naman kaagad ang suspek na si Randy 24-anyos at residente rin ng nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ng mga pulis, sinasabing inabot pa ng nakatatandang kapatid ng suspek na pinupukpok nito ng bato ang ulo ng kanilang ama na nagkataong natutulog sa labas ng kanilang bahay.

Hindi na humingi ng saklolo ang kapatid at ipinahuli ang suspek na mahaharap ngayon sa kasong parricide.

Iniutos din ng mga imbestigador na isailalim sa psychiatric test ang suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply