Amerikano nagbigti sa hotel sa Makati

PATAY na ng matagpuan ang isang 58-anyos na American national nang madiskubre itong nakabitin sa loob ng tinutuluyang silid sa Dusit Thani Hotel kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Kinilala ang biktimang si Gary Edward Stenules, tubong Illinnois, USA na natagpuang nakabitin sa inuokupang silid dakong alas-6 ng gabi ng kawani ng naturang hotel na si Gerald O’Shoea.

Nabatid kay Makati Police chief Supt. Jaime Santos, suicide o pagpapatiwakal ang nakikita nilang dahilan batay na rin sa isinagawang pag-iimbestiga ng kanyang mga tauhan lalu na’t walang nakitang palatandaan na may nangyariing karahasan sa loob ng silid bago madiskubre ang bangkay.

Ito rin ang naging paniniwala ng mga imbestigador ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na nakabase sa embahada ng Estados Unidos sa Maynila na nagtungo rin sa pinangyarihan ng pagpapatiwakal upang magsagawa ng pagsusuri.

Nilinaw naman ni Santos na bagama’t pinahintulutan nila ang FBI team na suriin ang silid na inokupahan ng biktima, hindi naman nanghimasok ang mga ito sa ginagawa nilang pag-iimbestiga.

Napagalaman na bagama’t walang nakitang suicide note sa silid ni Stenules na napagalamang kawani ng pamahalaan ng Illiinois, wala rin namang palataandaan na nagkaroon ng karahasan dahil maayos ang silid na inokupahan nito at walang puwersahang pagpasok ng sinuman na nakita ang mga pulis.

Sinabi ni Santos na nagbakasyon lamang sa bansa ng nag-iisa si Stenules at umorder pa ito ng alak bago natagpuan ang kanyang bangkay. Pansamantalang inilagak muna sa crime laboratory ng pulisya ang bangkay ng Amerikano upang isagawa ang pag-awtopsiya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply