AMLA Law, rerepasuhin sa Senado

REREPASUHIN ng Senado ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Ang pagrepaso ay kaugnay umano sa pangamba ng mga senador na maabuso o magamit ang nasabing MOA sa ‘tax investigation’.

Nagpatawag ng hearing ang Senate Sub-committee on Anti-Money Laundering kung saan humarap sina BIR Chief Kim Henares at AMLA Executive Director Vicente Aquino.

Kaugnay nito, binubusisi na ng mga senador ang nilalaman ng nasabing MOA upang maiwasan ang pagkabahala ng mamamayan hinggil dito.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, bagama’t ‘very restrictive’ ang nasabing MOA, mas makabubuting mapag-aralan ito ng husto at hindi malabag ang karapatan ng bawat indibidwal at maprotektahan laban sa ‘search warrant’ o ‘seizure’ ng walang pahintulot ng korte.

Sa ilalim ng MOA ay maaaring mag-request ang BIR mula sa AMLA ng certified copy ng bank transactions ng mga taong pinaghihinalaang lumalabag sa tax code samantalang maaari namang humingi ng dokumento ang AMLA sa BIR kaugnay sa Anti Money Laundering Law.

Tiniyak naman ni Henares ang kahandaang rebisahin ang MOA at nilinaw ng opisyal na tanging ang certified copy lamang na mga dokumentong naisumite na ang kanilang maaaring hilingin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply