Ammonia tumagas sa planta ng yelo sa QC

(UPDATE) TINATAYANG nasa 2,000 residente ang naapektuhan ng tumagas na ammonia sa isang planta ng yelo sa General Lim, Roosevelt Avenue, Quezon City.

Bago ito, isang malakas na pagsabog ang naganap sa loob ng planta na sinundan nang pagsingaw ng nasabing gas.

Batay sa kuwento ni Roger Angeles, kawani ng ice plant, dakong 10:00 ng umaga kanina ng mapansin nila ang maliit na tagas ng ammonia sa valve nito kung kaya kinumpuni nila ito gamit ang packing tape.

Pero habang inaayos nila ay bigla umanong sumabog ang ‘valve’ na may lamang ammonia at tumilapon pataas.

Agad namang dumating ang mga rescue team mula sa Quezon City police, mga bumbero at mga tauhan mula sa Bureau of Fire Protection.

Isinugod sa Quezon City General Hospital ang batang si Geraldine Horteza, 9 na taong gulang, ng Bgry. Sta Cruz, QC.

Nilapatan naman ng lunas ang ilang residente sa barangay hall na nahirapang huminga makaraang maamoy ang nakasusulasok na amoy ng ammonia.

Makalipas ang ilang oras, nakontrol na rin ang tumagas na ammonia planta ng yelo.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply