Amnestiya para sa mga nagdeklara ng maling SALN, isinulong

ISINUSULONG sa Kamara de Representantes ang panukalang bigyan ng amnestiya ang mga mambabatas, mga opisyal at kawani ng gobyerno na nagkamali sa kanilang inihaing Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Nais ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay na agad mapagtibay ang panukalang magbibigay ng amnestiya sa mga mambabatas, opisyal at kawani ng gobyerno na nagkamali sa deklarasyon sa SALN.

Pangunahing layunin nito ayon sa mambabatas ay mabigyan ng pagkakataon ang mga nagkamali sa SALN na maitama ang deklarasyon ng walang katapat na parusa.

Paliwanag ni Magsaysay na marami sa mga empleyado ng gobyerno ang hindi sinasadyang nagkamali ngunit kadalasan ito pa ang nagiging dahilan para masibak sila sa trabaho.

Ngunit kung paulit-ulit aniya ang pagkakamali sa kabila ng mga naunang pagbibigay dito ng amnestiya ay dapat na aniyang papanagutin at kasuhan ang sinumang government officials at employees.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply