Amoy malansa na kasi: Komedyana ilang na ilang kasama ang ex-BF

HINDI na nagpadala sa mga boladas ng dating boyfriend ang kilalang komedyante. Bagama’t pinakikiharapan niya ito ng maayos sa ngayon, medyo dumedistansya na siya rito. Hindi kasi malaman ng hitad kung tunay ba ang pinakikitang kabaitan nito sa kanya o ginagamit lamang siya nito para muling mabuhay ang career na natigok nang makipaghiwalay ito sa kanya.

Isa pa’y naiilang na rin ang ‘di kagandahang komedyana dahil mukhang mas malandi pa raw ito kaysa sa kanya. Kaya duda na ang hitad na baka pati katauhan ng ex-BF n’ya ay sinaniban na rin ng zombading, lalo na nung matsismis ang loko sa isang aktor.

Kaya kung nasusuka ang aktor-aktoran sa kasyongitan ng komedyante, ang huli naman ay naduduwal sa malansang amoy ng una. Hahaha!

***

Pampi Lacson ginagamit si Iwa laban kay Jodi

PINAGMAMALAKI ni Iwa Moto na may hawak siyang ebidensya sa pangangalunyang ginawa ni Jodi Sta. Maria sa dating asawang si Pampi Lacson. In fact, ang lakas ng loob ng sexy star na i-dare ang aktres to file a case against her. Handa raw niyang patunayan sa korte na nagkaroon nga ito ng affair sa kanyang former boyfriend two years ago habang nagsasama pa sila ng mister nitong si Pampi.

Pinagmamalaki pa ni Iwa na suportado siya ng dating asawa ni Sta. Maria sa labang ito. Lumalabas na ang sinasabing evidence na nasa kamay ng Kapatid star ay galing kay Pampi. So, ibig sabihin ba ginagamit ng anak ng senador si Moto para makabawi siya sa ginawa sa kanya nang dating misis?

Hindi naman yata maganda ito. Isipin nito na may-anak siya sa aktres. Ang anomang kahihiyang mangyayari sa huli ay damay din siyempre ang bata. Sana eh, patigilin na ni Pampi si Iwa na iwagayway at iwasiwas pa ang mahaba nitong dila sa katatalak laban sa magaling na akres.

***

Dumarami ang sangay ng Generics Pharmacy dahil kay Ate Vi

ISANG linggo makalipas na pormal na ipakilala si Vilma Santos bilang endorser ng Generics Pharmacy, ilang bagong sangay ng naturang drugstore ang nakita naming ipinatatayo sa ilang maliliit na mall sa Novaliches. Nagsulputan din itong parang kabute sa ilang lugar sa Metro Manila.

Hindi kami nagulat. Nakatutuwa lamang na malamang hindi nawala o binago ng panahon ang reputasyon at kalinisan ng pagkatao ng magaling na aktres at gobernador ng Batangas. Hanggang ngayon ang tiwala at ang respeto ng tao sa kanya ay nandyan pa rin.

Paano naman, kahit ang kanyang katawan, ang mukha, ang ugali at ang lahat sa kanya ay hindi nagbago. Nagpapakita na disiplinado niya ang kanyang sarili. Namumuhay siya ng malinis. Maayos. Isa tao na karapat-dapat lang na maging huwaran. Pagkatiwalaan.

Mabuhay ka, Ate Vi!

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply