Anak akala napatay, ama nagpatiwakal

SA PAG-AAKALANG napatay ang anak, pinasabog ng isang lalaki ang kanyang ulo gamit ang sariling improvised shot gun sa Antique kaninang umaga.

Nagtamo ng tama ng shot gun sa kanang sentido ang biktimang si Felix Taroza, 36-anyos ng Barangay Bangkal sa bayan ng Tobias Fornier.

Isinugod naman agad sa isang ospital sa Antique sanhi isang saksak sa katawan ang biktimang si Fritz, 18-anyos, binata.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa bahay mismo ng mag-ama.

Sa imbestigasyon ng Tobias Fornier PNP, bago ang insidente ay nagtalo ang mag-ama sa hindi malamang dahilan at sa gitna nito ay sinaksak ni Felix ang kanyang anak.

Nahimasmasan sa nagawang krimen, kinuha agad ni Felix ang kanyang nakatagong shot gun bago itinutok at ipinutok sa kanyang kanang sentido.

Kapwa isinugod sa ospital ang mag-amang sina Fritz at Felix at sa kabutihang palad ay nailigtas ang una habang ang huli naman ay hindi na umabot doon ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply