Anak pinatay sa sakal ng nanay na may topak

BULONG ng demonyo ang nagtulak sa isang nanay na may sakit sa pag-iisip para patayin sa sakal ang sariling anak sa La Union kaninang madaling araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Baguio General Hospital sanhi ng asphyxia o kawalan ng hangin sa baga si Hazel Mae Munyo, 3-anyos.

Ipinasok na rin sa isang mental institution sa Benguet ang suspek na si Hazel Joy, 31-anyos, para masuri ng mga doktor sa pag-iisip.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 12:45 ng madaling araw sa loob mismo ng bahay ng mag-ina sa Barangay Camilo Oasias sa bayan ng Balaonan, La Union.

Bago ito, naiwan ang mag-ina sa kanilang bahay dahil naghahanap buhay ang ama ng biktima na si Arnel, 27-anyos.

Pero nang magbalik na si Arnel sa kanilan bahay, ay laking gulat niya nang makitang nakabuwal sa sahig at naghihingalo ang kanyang anak kaya isinugod niya ito sa ospital ngunit huli na ang lahat.

Ayon kay Senior Inspector Benjami Diangan Jr, hepe ng Balaoan Municipal Police Station, kuwento sa kanila ng suspek na may bumubulong dito na isang espritu na nagsasabing mapapatawad ang lahat ng kanyang kasalanan kapag pinatay niya ang kanyang anak.

Hinala naman ni Arnel na sinumpong na naman ng sakit sa pag-iisip ang kanyang misis kaya pinatay nito ang sariling anak at dahil dito, ay hindi na niya ito sasampahan pa ng kaukulang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply