Ang COPD at ang Hari ng Komedya

ANO ang Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD)?

Ayon sa Lung Center of the Philippines, ang chronic obstructive pulmonary disease (COPD) ay isa sa mga pangunahing sanhi ng disability sa Pilipinas, ngayon.

Nabatid sa pangangalap ng impormasyon sa internet na ang paninigarilyo (maging second hand smoke) at polusyon ang sinasabing pangunahing pinagmumulan ng nasabing sakit.

Ito ang sakit ngayon ng Hari ng Komedya na si Dolphy na kasalukuyang nasa intensive care unit ng Makati Medical Center at nasa kritikal na kondisyon.

Nabatid na limang taon na ang nakararaan nang ma-diagnose sa nasabign sakit ang Hari ng Komedya.

Batay naman sa World Health Organization (WHO), ang COPD ay itinuturing na isang “life treatening” na sakit dahil sa ganitong kondisyon ay nahaharangan ang airflow sa baga.

Sinasabing mahigit 3,000,000 katao sa buong mundo ang namatay dahil sa COPD.

Ayon sa WHO, wala pang gamot ngayon ang nasabing sakit.

***

Hari ng Komedya

Dahil sa kahusayan sa larangan ng pagpapatawa sa telebisyon at pelikula ay binansagang “Hari ng Komedya” si Dolphy o Rodolfo V. Quizon sa tunay na buhay.

Una siyang lumabas sa pelikulang “Dugo ng Bayan” noong 1946. Ang nasabing pelikula ay sa produksyon ng ama ni Action King Fernando Poe Jr. na si Fernando Poe.

Nang gawin niya ang “Sa Isang Sulyap Mo Tita” noong 1953 nang maging contract artist siya ng Sampaguita Pictures ay sunud-sunod na ang pagganap niya sa pelikula. Matapos na pumatok ang nasabing pelikula ay ginawa niya ang kanyang starring role sa “Jack and Jill” kasama si Lolita Rodriguez bilang Jack. Ginampanan ni Tito Dolphy dito ang baklang karakter ni Jill.

Nagmarka naman si Tito Dolphy sa kanyang pagganap bilang Walter/Walterina Dempster Jr. sa Film Fest entry na “Markova: Comfort Gay at sa “Facifica Falayfay” noong 1969.

Hataw din sa TV ratings ang kanyang “John en Marsha” at “Home Along Da Riles.” Dahil sa nag-hit at kumita ang mga nabanggit na programa ay ginawa pa ito ng pelikula.

Source: Lung Cancer of the Philippines, World Health Organization and Wikipedia

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply