Ang John Lloyd Cruz ng GMA!

HAWIG si Alden Richards kay John Lloyd Cruz at may mga nagsasabing siya ang JLC ng Kapuso network. Tama lang daw na bigyan siya ng break bilang leading man ng primetime. Magsisimula mamayang gabi ang “One True Love” na kung saan ay tampok sila ni Louise Delos Reyes.

“Proud po ako na naikukumpara kay John Lloyd Cruz kasi idol ko po siya,e! ‘Yung mga movies na nagagawa niya, mahirap pong pantayan ‘yung level ng acting ni JLC.

“Marami pa po akong dapat pagtrabahuan para maabot ang narating niya kasi sobrang galing na artista. Kahit sino po i-partner sa kanya, bumibenta,” aniya.

Pero sino ang gusto niyang maging dito sa GMA7, maging isang Dingdong Dantes o isang Richard Gutierrez?

“Naku po…Tito Roldan naman, pag may sinagot ako parang..puwede bang no comment na lang ako? Sana po ay magka- roon po ako ng sariling pangalan,” tugon pa niya.

Ano ang comment niya na naungusan na niya ang mga nakasama sa pelikulang Tween Heart tulad nina Elmo Magalona, Joshua Dionisio, Jake Vargas at Kristoffer Martin?

“Hindi ko naman po masasabing naiwan ko na nga sila, nagkataon lang po na… kasi ako naman po ‘yung mas matanda sa kanila kung titingnan natin. Siguro kailangang bigyan na nila ako ng matured roles. Parang hindi na po ako bagay sa teens image. Pero hindi ko pa naman iniiwan ‘yung pagiging tweens ko kasi roon pa ako nag-start. Kung bibigyan po ako ng mga roles same as Tweens, tatanggapin ko pa rin po.”

“Alam ko naman po na yung mga ibang tween stars darating rin ang time na kung ano ang ibinigay sa akin ng GMA ibibigay rin sa kanila,” sey pa niya.

Kaya na ba nila ni Louise na magdala  ng isang primetime serye?

“Marami pong questions na ganoon. Minsan tinatanong ko ang sarili ko at mga taong involved dito sa One True Love kung kaya na ba namin ni Louise? Pero sunggab na lang ng sunggab. Kasi, minsan lang ang ganitong opportunity baka hindi na po  maulit,” deklara niya na kung saan ay inamin niyang tumaas ang TF niya sa primetime show na ito.

Naka-experience na ba siya ng ‘One True Love’?

“Opo, high school days po. Hindi pa po ako artista. Fourth year high school po kami. Classmate ko po. Taga-Laguna po. One year and a half po kami. Actually, pinag-awayan namin itong showbiz bago po ako pumasok kaya ka -mi naghiwalay. Pero isang malaking oportunidad itong dumating po sa akin. Hindi lang ang sarili ko ang matu- tulungan ko kundi pamilya ko,” pag-amin niya.

“Nabibigyan ko po ngayon ang family ko ng komportableng buhay. Hindi po kagaya dati na  hirap po talaga kami. Dream ko po talaga na sana one day, mag-milagro ang Diyos na mabigyan ako ng pagkakataong matulungan sila at sa ngayon ay nangyayari na ‘yun at the same time, sobrang saya ko po dahil nakakapag-provide ako sa family ko.

“Right now, napag-aaral ko ‘yung bunso naming babae sa  Letran College, Calamba and then ‘yung Kuya ko po nasusuportahan ko po siya kasi, kailangan niya ulit mag-exam for Nursing board, ‘yung sa dad ko po walang masyado kasi siya pa rin ang nagti-take-over sa mga bayarin sa bahay at the same time, hindi niya ako nire-require na magbigay sa kanya. Ako lang po talaga ‘yung kusang loob na bigyan siya,” kuwento pa niya.

Sino pa ang gusto niyang maging leading ladies bukod kay Louise? “Sina Sarah Lahbati, Heart Evangelista at Kylie Padilla po,” tugon niya.

Bukod kina Alden at Louise , kasama rin sa cast ng One True Love sina Wynwyn Marquez, Lucho Ayala ,Jean Garcia, Agot Isidro, Raymond Bagatsing, Carlene Aguilar, Tiya Pusit, Benjie Paras, Bembol Roco at si Miss Caridad Sanchez. Ito ay sa direksyon ni Andoy Ranay.

-0o0-

MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman ni Jean Garcia sa pagwawakas ng “Alice Bungisngis and Her Wonder Walis” nu’ng Biyernes.

“Masaya dahil maganda ang naging performance ng show sa ratings, at na-extend kami ng two weeks, huh? Kaya happy kami ng buong cast.

“Kasi dapat hanggang May lang kami e so na-extend pa kami ng June 8.

“At the same time siyempre malungkot dahil mami-miss mo yung mga nakasama mo sa show ng matagal, sa taping, pero at least ang iniisip namin, magkakasama-sama naman ulit kami sa iba namang shows ng GMA.”

Natutuwa naman si Jean dahil may bago siyang show, this time sa primetime, ang drama series na One True Love na pagbibidahan nina Louise delos Reyes at Alden Richards na pilot airing last Monday, June 11.

Kung salbahe si Jean sa Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, mabait naman siya sa One True Love.

“Tapos kasama ko si Agot Isidro, iyon, kami namang dalawa ngayon at tsaka si Raymond Bagatsing.

“Kasi ang ginagawa sa akin ng 7 ganun e, kontrabida tapos mabait.”

Abala sa trabaho si Jean kaya hindi masyadong tutok sa lovelife. “Masaya lang, tahimik lang,” aniya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply