Ang produng balimbing… bow!

SAKSAKAN ng pagkagamitera ng producer na ‘to. Dati kandarapa ito sa pagkuha ng serbisyo ng sikat at magaling na aktres pero nang sumemplang ang rating ng teleserye nito, bigla itong natahimik. Ni ayaw na ngang pag-usapan ang multi-awarded actress.

At dahil mas sikat at visible ngayon ang ka-kontemporaryo ng una, na isa ring magaling na alagad ng sining, ito ngayon ang ginagamit ng produng balingbing. Pati ang probinsyang hawak ng mabait at super galing ding umarteng aktres ay pinagtayuan ng negosyo ng producer at ginamit ang name ng una para maging bantog ang kanyang business.

Ngayong malapit na ang halalan, sino naman kaya ang sikat at sure winner na kandidato ang ieendorso ni madam produ?

***

Malaking network ang GMA7 pero binibitbit lang ng TV5 sa ibang bansa

NINILAW ni Mr. Manny Pangilinan na hindi niya nababanggit ang tungkol sa merger ng GMA-7 at TV5 dahil hanggang sa mga oras na ito ay nag-uusap pa ang both parties para sa usaping ito. Ang malinaw, nagsanib-pwersa ang Kapatid at Kapuso sa US sa pamamagitan ng Dish Network, ang cable channel na kung saan mapapanood ang Singko at Siyete.

Nagtataka lang kami kung bakit sa kabila ng mas malaking TV network ang GMA pero bakit binibitbit lang ito ng TV5 para mapanood sa cable channel sa America?

Hindi ba’t matagal nang napanonood sa Tate ang huli dahil may service provider na silang kinakabitan? Hindi ba sila nakababayad kaya sinalo sila ng mabait at magaling na businessman?

***

Angeline ipinanganak bilang bagong star sa ‘Born to Love You’

ANG ganda ng reception ng movie-going-public sa pelikulang Born to Love You nina Coco Martin at Angeline Quinto. Nitong nagdaang weekends ay talagang pila-balde sa mga sinehan ang manonood ng naturang pelikula ng Star Cinema.

Tama ‘yung sinabi ni Richard Gomez, kumpletos-recados ang movie na ‘to. Kung gusto mong umiyak, tumawa, mainis at kung anu-ano pa ay nandito na lahat. At nakapag-produce na naman ang movie-outfit ng ABS-CBN ng isang artistang magaling nang kumanta, okey pang umarte sa katauhan ni Angeline.

***

Duncan Ramos: The Heat of the Knight at Zirkoh

WATCH Duncan Ramos live in The Heat of the Knight!!! Jam with him at Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City on June 9 (Saturday) at 9pm.

Special guests are Luke Mejares, Prima Diva Billy, Michael Pangilinan, Aira and Mia of Sexbomb, and Baby Boobsie. Newcomer artist Jayke Reyes will do the front act.

The show is presented by Protons Music.

Ticket prices are P2,000 and P1,000. For inquiries, please call Liza Faraon at 0916-6960881.

Duncan Ramos is a Backroom artist. For inquiries, call Backroom at 4351108 and 4351120 or email at backroominc@hotmail.com

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply