Ang rumored boytoy noong si Aljo Bendijo… bow!

KUNDI pa kami pansamantalang nawalan ng cable, ‘di pa namin madidiskubreng mahusay palang mag-newscast sa Filipino si Aljo Bendijo na rating taga-ABS-CBN 2, kung saan natsismis siya noon na naging boytoy umano siya ng isang newscaster na kilala sa pagigiging agressive sa maraming bagay. Ay, oo nga pala, babae-di naman bading– yung na-link sa gwapitong si Aljo na ‘imported’ mula sa ABS-CBN Davao.

Sa Teledyaryo nga pala ng PTV 4 nagbabalita si Aljo. Dahil nga taga-Davao siya kaya naisip namin na may punto siguro siyang Bisaya kung magnyu-newscast siya sa Filipino. Pero hindi nga lang siya walang puntong Bisaya, kundi wala rin siyang nakaiinis na eksaheradong style ng pagsasalita na gaya nung sa mga newscaster sa ABS-CBN at GMA7.

Okey rin naman ang katuwang n’ya sa Teledyaryo na si Cathy San Gabriel dahil hindi rin ito trying hard na maging tunog Karen Davila o Mel Tiangco o Korina Sanchez kaya.

May isang field reporter rin ang Teledyaryo na nagulat kami na napakaayos rin mag-ulat sa Filipino: si Noel Perfecto, na akala nga namin ay sa Ingles lang mahusay.

Kung government employee kayo at member ng GSIS (Government Service Insurance System), dapat n’yong panoorin ang GSIS Members Hour sa PTV 4 tuwing Biyernes, 7 pm para maragdagan ang kaalaman n’yo sa mga benepisyong en- titled kayo, pati na rin ang mga kamag-anak n’yo.

Halimbawa, alam n’yo na bang may non-life insurance na rin ang GSIS?

Nag-i-insure na rin ito ng kotse, bahay, at iba pang ari-arian. At di lang mga miyembro ng GSIS ang pwedeng magpa-insure ru’n kundi pati na mag-anak at kamag-anak ng mga miyembro. Napag-alaman namin yan minsan ngang nakatuwaan naming manood ng nasabing programa.

Oo nga pala, napag-alaman din namin na mas mura palang sumakay ng commuter train ng PNR (Philippine National Railways) kesa ng mga LRT o MRT. Sampung piso lang ang minimum na pamasahe sa commuter train (na abot ng Makati, at maaaring lagpas pa), at parang kasimbilis rin ng MRT at LRT ang biyahe. Sa isa sa mga programa ng PTV 4 namin napag-alaman yan, bagama’t di namin maalala ang titulo ng programa.

Marami pang ibang programa ang PTV 4 na paminsan-minsan ay nasusumpungan naming panoorin, gaya ng musical cultural show na Paco Park Presents na sa nasabing park idinaraos tuwing Biyernes ng alas-sais ng gabi pero 10pm ipinapalabas sa TV tuwing Martes. Alam din namin na ipinapalabas sa PTV 4 ang Concert in the Park na idinaraos sa Rizal Park tuwing Linggo ng hapon, pero di namin alam kung si Tina Monson Palma pa rin ang nagho-host nu’n. Opo, ang beteranang newscaster na ilang taon na ring nasa ABS-CBN News Channel (ANC), pero nasa GMA Network pa siya nung magsimula siyang mag-host ng Concert in the Park na noon ay Huwebes ng gabi ipinapalabas sa PTV 4.

Napakagandang alternatibo ng mga palabas ng PTV 4 sa mga araw at gabing nauuta na kayo sa mga teleserye at kayabangang pagtatatanghal ng mga maiingay na network. At alam namin na napakalakas ng signal ng PTV 4.

Nakukuha ito ng TV set kahit na walang antena. Alam din namin na sa malalayong probinsya, mas malakas ang signal ng PTV 4 kaysa sa mga pasiklab at ma-gimmick na networks.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply