Annabelle Rama ipinaaaresto na ng korte sa kasong libelo

IPINAAARESTO na ng korte ang talent manager na si Annabelle Rama kaugnay sa libel case na isinampa ng kaaway na dating aktres na si Nadia Montenegro.

Nagpalabas na ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court Branch 92.

Kinansela din ang piyansa nito na umaaabot sa P140,000 makaraang sabihin ng kanyang abogado na si Atty. Derick Delegencia na hindi siya makadadalo sa itinakdang petsa ng korte para sa arraignment.

Ibinasura rin ng korte ang motion for reconsideration na inihain ng abogado ni Rama dahil nakasaad aniya sa ruling ng korte na kinakailangang dumalo ang akusado sa nasabing arraignment.

Ayon naman kay Marie Glen Abraham, abogado ni Montenegro na sa ilalim aniya ng ruling ng korte ng Quezon City, obligado ang isang akusado na dumalo sa arraignment maliban kung ito ay may sakit.

Sinabi rin ni Abraham na maaaring makapagpiyansa ang talent manager para sa kanyang warrant of arrest sa Quezon City court sa oras na siya ay madakip ng mga awtoridad.

Sakali aniyang mamataan si Rama sa pagdalo nito sa ilang hearings ay agad din itong aarestuhin ng mga awtoridad.

Nag-ugat ang kaso dahil sa mga pahayag ni Rama sa kanyang Twitter account laban kay Nadia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply