Annabelle Rama lumutang sa korte, warrant of arrest iniatras

INIURONG ng hukom ng Quezon City Court na humahawak sa kaso ng kontrobersiyal na talent manager na si Annabelle Rama ang warrant of arrest laban sa kanya noong June 11, dahil sa hindi nito pagdalo sa pagbasa ng sakdal laban sa kanya kaugnay sa 14 counts ng kasong libelo na isinampa sa kanya ng dating aktres na si Nadia Montenegro.

Batay sa dalawang pahinang kautusan ni Quezon City Regional Trial Court Branch 92 Judge Eleuterio Bathan , nilinaw nito na kaya nabalewala muna ang kautusan dahil sa ibinigay na katuwiran ni Rama.

Magkagayunman binalaan pa rin ni Bathan si Rama na huwag babalewalain ang kautusan ng korte sa hindi nito pagdalo sa arraignment na ipapatawag ng korte at sa halip ay ipaalam agad sa korte kung hindi ito makakadalo.

Itinakda ng korte ang araw ng pagbasa sa kaso ni Rama sa June 25, 2012 alas 8:30 ng umaga .

Magugunitang matapos mag isyu ng warrant ang korte sinabi ni Marie Glen Abraham, abogado ni  Montenegro na sa bagong ruling, aniya, ng Quezon City obligado na dumalo sa pagbasa ng sakdal ang isang inaakusahan maliban na lamang kung itoy may sakit.

Inakusahan dito ni Montenegro si Rama na isa lamang delaying tactics ang ginawa ni Rama sa pagdalo nito sa hearing sa San Juan dahil sa ibang kasong kinakaharap sa korte at naghintay lamang ito sa kotse at dumating lamang sa korte ng ipatawag na siya ng kanyang abogado.

May nakitang basehan, aniya, ang Quezon City Prosecutor’s Office na asuntuhin ng 14 na counts ng libelo si Rama matapos itong magbitiw ng mga mapaniwang salita ng may 11 beses sa ibat-ibang okasyon sa  mga  TV interviews at maglagay ng mga malisyosong pahayag sa twitter accouant laban sa dating aktres na si Nadia Montenegro.

Maliban sa libelo, nahaharap din sa mga kasong grave oral defamation at 2 counts ng unjust vexation si Rama.

Gayunman ,  dinismiss naman ni Assistant City Prosecutor Diovie Macaraig-Calderon batay sa kanyang 30 pahinang rekomendasyon ang mga kasong child abuse, unjust vexation , slander by deed at attempted physical injuries laban kay Rama.

Samantalang dinismiss naman ng nasabing Piskal ang kasong attempted kidnapping na isinampa naman ni Rama laban kay Montenegro pero binuweltahan naman ito ng una na sampahan ng kasong unjust vexation kasama ang abogadong si  Atty. Marie Glen Abraham at mga  John Does.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply