Annabelle Rama naghain ng ‘not guilty plea’

NAGHAIN ng not guilty plea ang kontrobersiyal na talent manager na si Annabelle Rama kaugnay sa kinakaharap nitong 14 counts ng libel charges.

Sa arraignment kaninang sa sala ni Quezon City Regional Trial Court Branch 92 Judge Eleuterio Bathan, mariing pinabulaanan ni Rama ang mga alegasyon laban sa kanya ng former actress na si Nadia Montenegro.

Kasunod nito, iniutos naman ng korte na sumailalim sa tinatawag na mediation proceedings ang dalawang partido.

Maalala na nag-ugat ang away ng dalawa kaugnay sa sinasabing malisyosong mga tweet accounts ni Rama laban kay Montenegro.

Ang Cebuana talent manager ay may hawak sa career ng dalawang anak ni Montenegro.
Kamakailan lamang, lumipat ng rehistro sa lungsod ng Cebu si Rama.

Ito ay kasabay ng pormal na pag-anunsyo ng kanyang kandidatura bilang kongresista sa Cebu City North District.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply