Ano kaya ang masasabi ni PNoy rito?

MAHIWAGA sa tingin ng marami ang pagkaka-award ng Subic Bay Metropolitan Autho-rity (SBMA) sa nag-aalaga ng ibon bilang operator ng may 96 rooms at suites na dating Grand Seasons Hotel & Casino sa Subic Bay Freeport.

Kung kani-kanino na ito nagsalin-salin hanggang sa grupo ni Alex Tan na operator ng The Lighthouse Marina Resort, sa Subic rin.

Ito Ang Totoo: tingin nina Tan mabigat ang hinging paupa ng SBMA na P1.1M kada buwan kaya tumawad ito na babaan pero hindi pinagbigyan kaya umayaw na lang nang hindi man lang nakapagbukas.

Laking gulat naman ng marami ng ibigay agad ng SBMA ang dating Grand Seasons Hotel & Casino, kasama na lahat ng gamit nito, sa grupo ni Joselito Lacap, ng hindi pa rin operational na Subic Aviary and Bird Park sa upper Cubi, sa upang P800k kada buwan lang.

Papayag rin pala na ibaba ang upa, eh, tinanggihan ang subok nang operator ng hotel at sa nag-aalaga ng ibon ibinigay ang nasasayang na dating Grand Seasons Hotel & Casino na matagal nang walang pakinabang.

Eto pa: hindi pa rin nakapagsisimula sina Lacap na i-operate ang Hotel & Casino at dalawang buwan pa lang buhat nang mai-award sa kanila, ini-aassign na sa ibang kompanya ang operasyon dito. Hindi rin pala mapatatakbo e, bakit hindi na lang bitiwan para direkta na sa SBMA ang pakikipag-usap ng bagong kompanya?

Para ano pa ang discount na ibinigay ng SBMA kung may kukuha rin pala ng mas mataas na ngayon sa pribado at hindi sa gobyerno mapupunta?

Dapat na talagang gawing kapaki-pakinabang ang nasasayang na pasilidad at lugar ng dating Grand Seasons Hotel & Casino lalo pa at ang SBMA ay salat sa pondo.

Kailangan lang i-konsidera lagi ang pinakabentaheng transaksyon para sa gobyer-no, para sa mamamayan. Ito Ang Totoo!

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www.face-book.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply