Anti-Terror Financing Act sinertipikahang urgent ni Aquino

SINERTIPIKAHANG urgent ng Pangulong Noynoy Aquino ang Anti-Terrorism Financing Bill sa pamamagitan ng electronic signature mula sa London.

Si Pangulong Aquino ay kasalukuyang nasa London para sa tatlong araw na pagbisita kung saan makakapulong nito si Prime MInister David Cameron at mga negosyante.

Ayon kay Budget Sec. Butch Abad, ipinarating nito sa Pangulong Aquino ang status ng nasabing panukala at kung bakit kailangang madaliin ang pagpasa nito.

Noong Lunes ng gabi, ipinasa ng Senado sa second reading ang Anti-Terrorism Financing Bill.

Sa pamamagitan ng panukala, matatanggal ang Pilipinas sa blacklist ng Financial Action Task Force (FATF).

Nakatakdang mag-convene ang FATF sa Hunyo 21 sa Rome, Italy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply