Antique municipal police chief, 7 tauhan sinibak

SINIBAK ang Antique municipal police chief at pitong tauhan nito at isinalang sa imbestigasyon dahil sa hindi pag-aksyon sa reklamo ng isang store-owner laban sa isang barangay chairman na sumampal sa kanya.

Ang mga inireklamo ay si Senior Inspector Roberto Indiape Jr., police chief ng Pandan town at mga tauhan nito na sina SPO2 Gerry Alondagay, SPO1 Jonathan Ricote, PO3 Bartolome Evangelio, PO2s Althem Berug, Aries Dulalia at Macario Terones at PO1 Elton Manatac.

Iniutos ni Chief Superintendent Cipriano Querol Jr., Eastern Visayas police director, ang pagsibak sa walong 8 policemen habang ikinakasa ang imbestigasyon laban sa kanila para malaman kung mayroon silang administrative liability at culpability.

Ani Querol, ang walong nabanggit na pulis ay hindi man lamang natinag sa ginawang pagsampal ni Ronaldo Cunanan, barangay chairman ng Centro Norte, Pandan town, sa store-owner na si Ali Abubakar noong Abril 2.

Inireklamo ni Abubakar na lasing si Cunana at nais ipasara ang kanyang tindahan kahit ito ay may barangay business clearance.

Hindi pa nakontento at kahit walang dahilan ay bigla siyang sinampal ni Cunanan sa harapan ng publiko kaya ini-report ng biktima ang insidente sa pulisya.

Nagkita sina Cunanan at Abubakar sa presinto at sa ikalawang pagkakataon ay sinampal muli ng una ang huli. Tinangka ring tutukan ni Cunanan ang mga kasamahan ni Abubakar at maging ang mga pulis.

Sinabi ni Querol na sa hindi malamang dahilan ay hindi hinuli si Cunanan kaya may pananagutan ang mga sinibak sa insidente dahil sa kapabayaan sa kanilang tungkulin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply