Apela ni Chiz, ayaw patulan ng Malakanyang

AYAW patulan ng Malakanyang ang panawagan ni Senador Francis “Chiz” Escudero na umaapela sa mga nominado ng susunod na Chief Justice ng Supreme Court na mag-decline sa kanilang nominasyon dahil nagpartisipa sila sa impeachment trial ni dating SC Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, personal na desisyon ng mga nominado ang patulan ang hirit ni Senador Escudero lalo pa’t ang mga ito naman ay kasama ang pangalan sa nominasyon.

“Well, that will be up to the nominees who were involved. Kasi katulad po ni Commissioner Kim Henares she was called, she was subpoenaed by the Senate impeachment court. Also, si Secretary De Lima was also subpoenaed—appeared by virtue of a subpoena issued by the Senate impeachment court. And the other nominees that are perceived to have been involved, that’s…we will leave it up to them on how to take that particular suggestion from Senator Escudero,” ayon kay Usec. Valte.

Sinabi pa ni Valte na posibleng pagbigyan nila ang apela ng senador kung kasama ang kanilang pangalan sa nominado.

“That is not up for us to decide kasi hindi naman po kami ‘yung involved. Hindi naman po ‘yung Palasyo ‘yung nominado. So ‘yung mga nominado po dapat ‘yung makasagot tungkol doon sa suhestiyon ni Senator Escudero,” ani Valte.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply