Apela sa hatol na tax evasion laban sa negosyante, ibinasura ng tax court

IBINASURA ng Court of Tax Appeals (CTA) en banc ang petisyon na inihain ni Benjamin Kintanar, asawa ng nahatulang tax evader na si Gloria Kintanar na kumukuwestyon sa naging desisyun laban sa kanya ng CTA third division.

Nakasaad sa 19-pahinang desisyon ng CTA en banc, walang dahilan upang baguhin ang desisyun ng CTA third division na humahatol sa kanya na guilty sa kasong tax evasion.

Bukod sa multa na 10 libong piso, pinagbabayad din ng korte sila Kintanar ng 8.25 million pesos na napatunayang hindi nila naibayad bilang buwis sa taong 2000.

Ang nag-asawang Kinatanar ay distributors ng mga produkto mula sa kilalang Forever Living.

Ang kasong tax evasion laban kay Gloria Kinatanar ay una nang pinagtibay ng korte Suprema.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply