Aplikasyon, nominasyon sa pagka-CJ last day ngayon

MAGKO-CONVENE ngayong araw June l8 ang Judicial and Bar Council (JBC) para sa pagpili ng susunod na Cheif Justice na papalit sa dating punong mahistrado na si Renato Corona kasunod na rin ng deadline ng pagsusumite ng mga nominado sa nasabing puwesto.

Nakapagtala ang JBC ng 29 na nominado para sa posisyon ng chief justice ngunit mababawasan pa ito dahil sa pagkadiskuwalipika ng dalawang aplikante at pagtanggi ng iba pa sa nominasyon.

Ayon kay Atty. Gleo Guerra, acting spokesperson ng Supreme Court (SC), ilalathala sa mga pahayagan ang mga pangalan ng mga nominado kalakip ang mga petsa kung kailan sila sasalang sa panayam ng JBC bilang bahagi pa rin ng screening process.

Maliban kay BIR Chief Kim Henares, lumutang din ang pangalan ni Justice Secretary Leila de Lima na contender sa posisyon subalit inihayag na ni Pangulong Benigno Aquino III na mas epektibo bilang kalihim ng Department of Justice si De Lima.

Maalala na ang dalawang opisyal ay mga pangunahing testigo ng prosecution panel sa impeachment case laban kay Corona.

Kabilang pa sa mga pangalang naisumite sa JBC ay sina human rights advocate lawyer Katrina Legarda, dating Ateneo Law Dean Cesar Villanueva at Solicitor-General Francis Jardeleza.

Awtomatiko namang pasok sa listahan ang limang most senior SC justices na sina acting Chief Justice Antonio Carpio ay Associate Justices Arturo Brion, Teresita Leonardo-de Castro, Diosdado Peralta at Presbitero Velasco Jr.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply