Aquino pabor sa mayayaman

NAKIKITA na ang mayayaman ang higit na nakinabang sa dalawang taon ng panunungkulan ni Pangulong Aquino.

Ito ang inihayag ni Gabriela Partylist Rep. Emmie de Jesus matapos lumutang ang pangalan ng ilang mayayamang Pinoy sa may 40 pinakamayamang Pilipino.

Ani de Jesus, ito umano ang pinakamalaking panalo sa pro-rich policies ni Pangulong Aquino.

Makikita, aniya, sa pinakahuling listahan ng Forbes magazine’s 40 richest Filipinos ang iilang pamilya na  nakinabang umano sa polisiya ng administrasyon sa loob ng dalawang taon nitong panunungkulan.

Gayung kitang-kita, aniya, ang pagpapabaya umano ng administrasyong Aquino sa hiling ng mahihirap na Pilipino na pagbabago sa polisiya nito tulad ng tunay na Agrarian Reform Program para sa magsasaka at pagkakaroon ng isang national industry sa mga manggagawa.

Patuloy, aniyang, nagbibingi-bingihan ang Pangulong Aquino sa agarang tulong para sa mahihirap tulad ng pag-alis ng VAT sa pangunahing bilihin kabilang na ang gasolina, karagdagang P125 sa sahod, at social services.

“Yet, for these very rich businessmen, he is an active  partner in furthering their economic winnings,” dagdag ni de Jesus. Nagpapatuloy din, aniya, ang pananahimik ni Pangulong Aquino sa mga mararahas na demolisyon na pabor naman sa interes ng mayayamang may-ari ng lupa.

Nabigo rin, aniya, ang pamahalaan na maaksyunan ang pagkamatay ni Arnel Leonor, residente ng Silverio Compound sa Paranaque.

“He continues to allow tycoon Lucio Tan to escape charges of tax evasion amid his “daang matuwid” rhetorics,” ani de Jesus.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply