Ara Mina humirit ng public apology sa kapatid na si Cristine

HUMIRIT ngayon ng public apology ang aktres na si Ara Mina mula sa kanyang kapatid na si Christine Reyes matapos ang mga mapanirang text messages nito laban sa una kamakailan.

Ayon kay Ara Mina o Hazel Pascual Reyes sa tunay na buhay, ang paghingi ng tawad lamang ang makapagpapabago sa isinampa niyang mga kasong libelo at grave coercion laban sa  kapatid na si Christine o Christine Pascual Klenk, ang tunay na pangalan sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Kasama ng kanyang abogadong si  Princess Abante, tahasang sinabi ni Ara Mina na tuloy ang kaso hanggang hindi humihingi ng kapatawaran sa publiko si Christine.

Itinanggi ni Ara sa  isinumiteng counter-affidavit ni Christine kay Asst. city Prosecutor Gibson Araula, na may mga pagtatangka siya na makipagkasundo sa huli.

Ayon kay Reyes, hindi puwedeng gamiting ebidensiya sa korte ang text messages para masabi itong libel sa ilalim ng Revised Penal Code.

Pero iginiit naman ng abogado ni Ara Mina na ang text messaging ay klasipikado bilang “ephemeral electronic communication” sa ilalim ng  Section 1(k) Rule 2 of the Rules (of Court), na kahalintulad sa nilalaman ng  Article 355 na isinasaad ng batas sa  Revised Penal Code.

Matatandaang nag-ugat ang iringan ng magkapatid matapos magpadala ng mga mapanirang text message si Christine kay Ara gayundin sa umano’y boyfriend  nitong si Bulacan Mayor Patrick Meneses at sa ina nito.

Nagsimula ang alitan ng magkapatid dahil sa umano’y pagkakautang ni Ara Mina ng mahigit sa  P1 milyon sa kapatid matapos nilang bilhin ang isang townhouse  sa Quezon City noong 2011 para sa kanilang ina.

“I am no longer angry at her. All I am asking is for her to say sorry for what she has done wrong to me. This time, I filed the charges to insist that I am still her ate,” mariing sinabi kahapon ni Ara Mina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply