Araw ng Kalayaan

IPINAGDIRIWANG ang “Araw ng Kalayaan o Kasarinlan” tuwing ika-12 ng Hunyo.

Ngayong taon, bukas papatak ang ika-114 taong paggunita sa Araw ng Kalayaan.

Kadalasan tuwing Araw ng Kalayaan, ang mga Pilipino ay nagdiriwang sa pamamagitan ng mga parada sa iba’t ibang parte ng Pilipinas na nilalahukan ng mga estudyante, empleyado at opisyal ng pamahalaan at mga sangay ng gobyerno.

Madalas na ang police at military parade sa Maynila at ang talumpati ng Pangulo ng bansa na susundan ng 21-gun salute ang nagsisilbing highlight ng pagdiriwang.

Ngayong taon hindi pa man pumapasok ang buwan ng Hunyo ay nagpakabit na ang gobyerno ng mga bandila ng Pilipinas sa mga kalsada bilang paghahanda sa mahalagang araw.

Dahil holiday tuwing Araw ng Kalayaan, walang pasok ang mga estudyante. Sarado ang mga sangay ng pamahalaan at walang pasok ang mga empleyado ng gobyerno.

Ang taunang paggunita ng Independence Day tuwing June 12 ay makaraang lagdaan at pagtibayin ni dating Pangulong Diosdado Macapagal ang Republic Act No. 4166 noong August 4, 1964.

Ito ang nag-legalized sa nasabing paggunita ng Araw ng Kalayaan tuwing June 12.

Ito ay ibinase sa deklarasyon ng kalayaan noong June 12, 1898 na pinangunahan ni General Emilio Aguinaldo at mga Filipinong nakibaka noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.

Noong June 12, 1898 iwinagayway ang bandila ng Pilipinas at pinatugtog ang Lupang Hinirang.

Hindi naman nagtagal ang deklarasyon dahil hindi ito kinilala ng Spain at Estados Unidos.

Ang 1898 Treaty of Paris ang tumuldok sa digmaan sa pagitan ng Spain at US, kung saan isinuko ng Spain ang Pilipina sa US.

Nakibaka pa ang mga Pinoy sa Estados Unidos at nakamit ang soberanya noong July 4, 1946 sa pamamagitan ng Treaty of Manila.

Sinimulan lamang iobserba ang Araw ng Kalayaan tuwing June 12 mula ng pagtibayin ang Republic Act No. 4166.

Watawat ng Pilipinas

Ito ang simbolo ng kalayaan ng bansa.

Kung ilalarawan ang bandila ng Pilipinas makikita na nahahati ito sa tatlong kulay ang asul o bughaw, pula at trianggulong puti.

Sa trianggulong puti, nakalagay sa gitna ang araw na may walong sinag, habang makikita sa gbawat sulok ng trianggulo ang tatlong dilaw na bituin.

Asul (royal blue) – sumisimbolo sa kapayapaan, katotothanan at hustisya
Pula (scarlet red) – patriotism at valor
Puting trianggulo- pagkakapantay-pantay at pakikipagkapwa-tao
Tatlong bituin – Luzon, Visayas at Mindanao
Araw na may walong sinag- Walong probinsyang nakipaglaban sa pananakop ng Kastila na kinabibilangan ng Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna at Batangas

Sa panahon ng kalayaan, nasa ibabaw ang asul at sa panhon naman ng digmaan ay nasa itaas ang pula.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply