Armadong grupo sumalakay sa Cotabato, 3 patay

TATLO ang nasawi makaraang gawing human shield ng mga sumalakay ng  hindi nakilalang armadong grupo sa Brgy. Popoyun, Tulunan, Cotabato.

Dahil dito, kaagad na lumikas ang mga apektadong pamilya matapos maipit sa nasabing kaguluhan.
Ayon sa ulat ng  602nd Brigade Philippine Army, gumanti ang mga CVOs sa nasabing paglusob ng mga armadong grupo kung saan nagkapalitan ang mga ito ng putok na tumagal nang 15 minuto.
Nabatid pa sa ulat na unang umatras ang armadong grupo habang agad namang nagsagawa ng pursuit operation ang Tulunan-PNP kasama ang CVOs.

Narekober sa pinangyarihan ang engkwentro ang tatlong bangkay na pinaniniwalaang ginawang human shields ng mga grupo ng armado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply