ARMM general registration sa Hulyo 8 na

HANDA na ang Commission on Elections (Comelec) sa isasagawang general registration ng mga botante sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na sisimulan sa Hulyo 8 at 9, ngayong taon.

Ito ang tinalakay sa isinagawang en banc session ng Comelec sa Baguio na dinaluhan ng  regional directors ng Comelec mula sa iba’t ibang rehiyon.

Isasagawa ang general registration sa layong malinis ang listahan ng flying voters sa nasabing lalawigan sa 2013 elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., isasakatuparan ang general registration sa limang probinysa at dalawang syudad sa ARMM na kinabibilangan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Tawi-tawi, Basilan, Sulu, Marawi City at Isabela City.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply