Carpio sa court employees: ‘Move on’

UMAPELA ngayon si acting Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio sa mga lahat ng court employees at sa buong sambayanan na magsimula muli na magtrabaho at ibalik sa normal ang mga buhay.

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Carpio matapos ang impeachment case sa naging karibal na si dating Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Carpio na kailangan na umano ng bansa ang mag-move on mula sa isyu.

Kaugnay nito, aminado rin ang mahistrado na wala pa siyang opisyal na desisyon kung tatanggapin ang automatic nomination sa kaniya bilang susunod na chief justice ng kataastaasang hukuman.

Maalala na marami ang kumikuwestyon sa pag-upo ni Carpio bilang acting chief justice lalo’t isa ito sa tinukoy ni Corona na umano’y nasa likod ng kampanya para siya ay masibak.

Una ng naniniwala si dating Chief Justice Reynato Puno na dapat ang susunod na punong mahistrado ay ang taong maghahatid ng reporma sa hudikatura at makapaghihilom ng sugat na idinulot ng nangyaring impeachment process.

Ayon kay Puno, mahalaga rin umano na ang hihirangin ng Pangulong Benigno Aquino III ay isang taong magsisilibing inspirasyon sa mga miyembro at empleyado ng judiciary.

Kailangan din umano na mapanatili ng bagong chief justice ang kasarinlan ng korte pero handa rin na makipag-ugnayan ibang sangay ng pamahalaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply