Associate Justice Perez nominado sa pagka CJ

ISA pang Associate Justice na hindi kabilang sa limang “senior”justices” ng Supreme Court ang bagong nominado sa pagka-Punong Mahistrado.

Si  Associate Justice Jose Perez ay ini-nominate ng Asia Pacific Bar Association Incorporated.

Sa liham na kanilang ipinadala sa Judicial and Bar Council, tinukoy ng grupo na may sapat na kakayahan at kaalaman si Perez para hawakan ang posisyon na binakante ni dating Chief Justice Renato Corona.

Malaking bentahe umano ni Perez ang matagal na niyang pagsisilbi sa Korte Suprema.

Nagsilbi si Perez bilang Court Administrator at nanunungkulan na sa SC sa loob ng halos 40 taon.

Naitalaga si Perez bilang justice ng SC nuong Disyembre ng taong 2009.

Iginiit ng grupo na kailangan ng KS ng isang pinuno na magwawaksi sa anino ng impeachment at magbabalik sa katatagan ng hukuman.

kasabay nito, hinimok ng grupo ang JBC na huwag limitahan sa limang most senior justices ng SC ang nominasyon sa halip, isama ang lahat ng myembro ng Kataas-taasang hukuman sa selection process

Umaabot na sa 14 ang nominado at aplikante sa JBC. Kabilang sa mga nasa listahan na ay sina Jocelyn Esquivel na isang nurse, gayundin sina Prosecutor Marianito Sasondoncillo, retired Judge Manuel Siayngco, Professor Rafael Morales at Atty Nepomuceno Aparis.

Nominado rin sina Justice Secretary Leila de Lima, BIR Commissioner Kim Henares, Solicitor General Francis Jardeleza, Ateneo law Dean Cesar Villanueva, dating UP Law Dean Raul Pangalangan at Atty Katrina Legarda, Teddy Boy Locsin at dating Solicitor Gen Frank Chavez.

Samantala, awtomatiko namang pasok bilang kandidato ang limang “most senior” Associate Justices ng Supreme Court na sina acting Chief Justice Antonio Carpio, Justices Presbitero Velasco Jr., Teresita Leonardo-De Castro, Arturo Brion at Diosdado Peralta.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply