Ateneo binanatan ang UST

PUWERSAHANG nakabawi sa do-or-die Game 3 ang defending champion Ateneo de Manila sa kanilang laban ng University of Santo Tomas, 25-17, 22-25, 25-21, 28-26 sa Game 2 Shakey’s V-League final series season 9 first conference na idinaraos sa San Juan Arena.

Sa bisa ng matinik na si Jorella de Jesus sa kanyang apat na krusyal na hits na pinakawalan ang nagparesbak sa Ateneo nang hugutin siya ni coach Roger Gorayeb mula sa bench at makipagpalitan ng power hits, serves at drop shots para kanain ang panalo ng Lady Eagles.

Nagbida sa tagumpay ng Ateneo si Alyssa Valdez para sa itinalang 31 puntos, 22 kills at 8 service aces.

Umentra lamang si de Jesus sa huling minuto ng 4th set pero siya ang nakagawa ng pinakaimportanteng puntos ng Ateneo.

Pumukol naman ng 15 puntos ang Thai guest player na si Lithawat Kesinee, 11 naman buhat kay File Cainglet ng Lady Eagles.

Ang 25 errors ng Tigresses ang sinamantala ng Lady Eagles para mabigo sa serye.

Naangkin na ng San Sebatian ang 3rd place trophy sa bisa ng 26-24, 25-17, 24-26, 25-24 panalo laban sa University of Perpetual Help sa best-of-three series.

Pinamunuan ni Thai ace Jeng Bualee ang panalo sa hinataw na 35 puntos para sa Lady Stags.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply