Atyani, 2 crew namataan sa Patikul, Sulu

NAMATAAN sa Patikul, Sulu ang Jordanian journalist na si Baker Atyani at ang dalawang Pinoy crew nito na sina Ramelito Vela at Roland Letrero na hawak ngayon ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Sulu Police Provincial Director S/Supt. Antonio Freyra, sa impormasyon na kanilang nakalap, nabatid nila na hindi na malayang makagalaw ang TV crew sa nasabing kuta, bagamat hanggang sa ngayon wala pa ring natatanggap ang pulisya at militar ng ransom demand sa mga kidnapper.

Iginiit din ni Col. Freyra na may koordinasyon sa awtoridad at sa pamahalaang local ng Sulu ang pagtungo ng TV crew ni Atyani sa Sulu, subalit wala sa itinerary nito ang pagtungo sa kuta ng mga teroristang Abu Sayyaf.

Samantala, taliwas sa pahayag ng Jordanian Foreign Ministry na hindi sila nagkulang sa pakikipagkoordina sa gobyerno ng Pilipinas bunsod sa pagkadukot sa tatlong biktima.

Ibinunyag din ni Sulu Police Provincial Director S/Supt. Antonio Freyra na hanggang sa ngayon ay hindi pa siya nakatatanggap ng tawag mula sa gobyerno ng Jordan pati na rin sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Atyani na Al Arabiya Network.

Nauna ng sinabi ni Jordanian Foreign Ministry Spokesperson Sabah Rafei na magmula nang pumutok ang balitang pagdukot kay Atyani ay patuloy ang kanilang ginagawang koordinasyon.

Sinabi naman ni Col. Freyra na umalis ang grupo ni Atyani sa kanilang tinutuluyang hotel nang hindi nagpapa-alam sa awtoridad at hindi rin tinanggap nito na bigyan sila ng seguridad sa kanilang lakad sa kabundukan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply