Award ni Pidol tinanggap ni Vandolph

TINANGGAP ngayon ng aktor na si Vandolph ang bilang “Patnubay ng Sining at Kalinangan” award ipinagkaloob ng Manila City government para sa kanyang ama na si Comedy King Dolphy.

Bilang kinatawan ng kanyang ama, nagpasalamat si Vandolph, anak ni Pidol sa aktres na si Alma Moreno, kay Manila Mayor Alfredo Lim para sa nasabing award.

Bukod dito, iginawad din kay Dolphy ang “Diwa ng Lahi Award” na siyang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng lungsod ng Maynila sa mga artists.

Ayon kay Lim, bago pa man maospital ay alam na ng King of Comedy ang mga tatanggapin nitong pagkilala.

Hihilingin umano ni Lim kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na ibigay ang national artist award kay Dolphy.

Kaugnay nito, sinabi ni Ballsy Aquino-Cruz kapataid ni Panglong Aquino sa isinagawang blessing ng bagong tayong Senador Benigno Aquino Jr. Elementary School sa Baseco Compound kanina, na pabor siyang hirangin ang Hari ng Komedya bilang national artist ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply