Away kulambo dahil sa pulitika

ENDEMIC o natural sa ilang lugar ng Zambales at Olongapo ang mapaminsala at nakamamatay na sakit na malaria.

Isa na rito ang Brgy. New Cabalan sa bulubunduking bahagi ng Olongapo kaya napaka-rural at walang indikasyon na bahagi ng lungsod ito.

Mataas ang insidente ng sakit na malaria sa Bgy. New Cabalan, patotoo ni Brgy. Chairman Rafael Lim.

Ito Ang Totoo: mapalad ang Olongapo dahil tumanggap ito ng libo-libong kulambo na may insecticide panlaban sa lamok, mapa-malaria o dengue ang dala.

Isa ang Olongapo sa benepisaryo sa iba’t ibang bahagi ng bansa na binigyan ng libreng “insecticide-treated” na mga kulambo ng Pilipinas Shell Foundation.

Kandarapa si Chairman Lim na agad ipinakuha mula sa city hall ang mga kulambo na para sa Brgy. New Cabalan dahil alam niya na kailangan ito at pakikinabangan ng kanyang mga kabarangay.

Ayon kay Lim, hindi ikinatuwa ni Mayor Bong Gordon na sa pag-kuha sa mga kulambong galing sa Pilipinas Shell Foundation na ibinababa sa city hall, ginamit niya ang sasakyang donasyon ni Congresswoman Mitos Magsaysay na may pangalan na ng kongresista, may mukha pa.

Baka kasi akalain nga naman ng mga botante e galing kay congresswoman ang mga kulambo.

May donasyon din naman si Mayor Gordon na mga sasakyan sa mga barangay, Fstar na gawang Tsina, may pangalan at mukha rin niya, kahit hindi naman galing sa sarili niyang pera.

Paliwanag ni Lim: masyadong mahina ang makina ng FStar na may malaking pangalan at mukha ni Mayor Gordon dahil 1.0 liter at 3-cylinder lang.

Dahil bulubundukin ang Brgy. New Cabalan, kung saan naroon ang maraming Aetang inilikas bunga ng pagputok ng Bulkang Pinatubo, hindi talaga uubra ang mahinang klaseng sasakyang bigay ni Mayor Gordon na panghakot at panghatid ng tone-toneladang bigat na bungkos ng mga kulambo.

Ito Ang Totoo: para sa mama-mayan, Pilipinas Shell Foundation ang may bigay ng mga kulambo at hindi galing kapwa sa mayor o congresswoman, kaya dapat hindi na pinag-aawayan!

Siyanga pala, nagtatanong itong si Brgy. Chairman Lim kung sino si Jimmy Lorenzana alyas JLo na hindi naman empleyado ng city hall pero kung magpatawag sa kanya at iba pa ay daig pa ang kanilang mayor na si Gordon.

Aba’y Chairman Lim, kayo po ang sumagot niyan, hindi niyo po ba alam? Ito Ang Totoo!

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www.face-book.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply