Away ng mga buwaya sa away pulitika

MALAYO pa ang halalan sa 2013 pero nag-aaway-away na ang mga politiko.

Hindi na tayo kailangan na magbanggit ng mga pangalan dahil maiingay sila sa media na parang palaka.

Hindi lang ang mga politiko sa itaas ang nag-aaway-away kundi maging ang mga nasa ibaba.

‘Yun bang === mga lokal mula sa gobernador hanggang sa mga mayor.

WAIS SA LOKAL

Alam ba ninyo ang isang anyo ng awayan sa lokal?

Heto.

May isang natalong kandidato nitong nakaraang eleksyon.

Dati siyang mayor ngunit natalo nga siya.

Alam ba ninyo ang ginagawa ng mayor na ito?

Nasa ibang bansa siya ngayon at yung pinili niyang ka-tandem na vice mayor na malakas ang naiwan.

Itong ka-tandem niya ngayon ang binubuliglig ng mga nagsasamantala sa halalan gaya ng mga nanghihingi ng kung ano-anong tulong mula sa sports hanggang sa pagbabayad sa mga ospital at morge dahil sa mga nagkakasakit at namamatay.

Siyempre pa, buwisit na buwisit ang ka-tandem at balak na nitong kumalas sa talunang mayor.

AGAWAN NG KANDIDATO

Nagaganap ang agawan ng kandidato sa itaas at ibaba.

Kung malakas ang kandidato, pinag-aagawan.

Kung may ibubuga sa pinansiya ang kandidato, pinag-aagawan.

Kung mahina at walang pera, ibinabasura.

Swerte ang mga makakuha sa kandidato na malakas ang hatak sa botante at may malaking pera para sa kampanya.

Dito sa huling punto, yang Commission on Elections ang dapat na tanungin.

Kasi isa sa mga tinatanong ng Comelec sa kandidato ay kung may pera siya sa pangangampanya.

Kung wala, baka hindi siya aprubahan.

Baka ituring siyang nuisance candidate.

Patay siyang politiko siya.

Ang mga partido na mismo o ang mga bida sa pulitika mismo ang nagbabasura naman sa mga walang binatbat na kandidato.

NAGPAPAKITANG GILAS

Mamasyal kayo, mga Bro, sa mga lalawigan.

Ang daming ipinagagawang kalsada at tulay.

Nakita ito noon pang Mahal na Araw.

Hanggang ngayon, nakikita pa rin ang mga proyektong ito.

‘Di ba ipinagbawal ni Pangulong Noynoy ang paglalagay ng mga karatula ng mga politiko sa mga proyekto?

Waepek si PNoy sa mga lalawigan.

Nakahambalang ang mga picture at mensahe ng mga politiko sa mga proyekto.

At walang magagawa ang mga engineer ng Department of Public Works and Highways para baklasin sana ang mga ito.

Baka sila pa ang ipabaklas sa puwesto nina mayor, gob at kongresman.

Hehehe!

Marami sa mga may proyekto ang kakandidato muli sa 2013.

Nagpapakitang gilas lang ang mga ito.

“Another Priority Project of Cong…., Gov…., Mayor…”

“Your taxes are working for you…Cong…., Gov…., Mayor….”

‘Yan ang sinasabi ng mga karatula.

Dati, isa lang ang mamahaling sasakyan ni Cong…. Gov….at Mayor….

Ngayon may expedition na siya, may mga Pajero, Montero at Safari pa.

“Your taxes are working for me.”

Pwehehehe!

BUNGA NG AWAY

‘Yang panalo ang target ng awayan.

Pinag-aawayan kung sino ang winnable candidate.

Pero batay sa karanasan ng mamamayan, nasa dulo ng panalo ang mga pakinabang sa pulitika, sa pamahalaan.

Sa pamahalaan, may kapangyarihan na, may nakukuha pang yaman.

Ito ang mga tukso.

At marami sa mga politiko ang walang kaibhan kina Adan at Eba sa Paraiso.

Pare-pareho silang natutukso at nagpapatukso na sa kalaunan.

Sila pa nga ang nagiging tukso na rin sa huli.

At kung nagkakabukingan na, ginagaya nila sina Adan at Eba.

Nagtuturuan sila.

Hanep talaga ang mga politiko.

HUWAG PATUTUKSO

Kaya nga, ang mamamayan, ang mga botante lalo na, dapat silang maging mapagbantay sa mga politiko.

Huwag silang patutukso sa mga politiko na sa simula pa lang ay halatado nang halang ang kaluluwa.

Halang ang kaluluwa ng mga politiko na ang numero unong nasa utak ay pagpapayaman sa puwesto o kapangyarihan.

Isa sa mga tukso, mga Bro, ay nagaganap sa halalan mismo. Ang mga mayayamang kandidato ay may kakayahang bumili ng mga pamilyang botante.

‘Yun bang === ginagawa ang lahat ng mga botante na watcher.

‘Yung mga miyembro ng pamilya na senior citizen ay inihahatid-sundo sa mga poll precinct.

Hindi lang nila tinatapatan ang mga kakayahan ng kanilang mga kaaway.

Sinosobrahan pa nila ang mga hatag.

Hanggang sa matukso na rin ang mga namamahay-mahay nilang mga tauhan na bumibili ng mga gustong mag-watcher.

AWAY PA RIN SA HULI

May mga nalaman tayong politiko na nagpapa-salvage sa mga tao nilang mandaraya sa pagbili ng mga boto, este, watcher.

May mga nagtatampo naman at nagtatatag na lang ng sarili nilang mga partido.

‘Yung iba, bumabalimbing tsaka itsitsismis ang kanyang pinanggalingan kahit na siya man ay may uling din sa buong mukha. Hehe!

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply