Away trapiko: Stude, driver sugatan

SUGATAN ang isang 12-anyos na estudyante makaraang madamay sa away trapiko ng driver ng tricycle driver na nasugatan din at nagmamaneho ng Mitsubishi L300 sa Brgy. West Kamias, Quezon City.

Nabatid na binaril  ang tricycle driver na si Marlon Cabunyag, barangay tanod ng Brgy. Silangan, ng nakagitgitan niyang driver ng puting Mitsubishi L300 van (UTA-657).

Nang sumunod na pagpapaputok ng suspek, tumama ito sa paa ng estudyante na kinilalang si Kyle Cuntapay habang si Cabunyag ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang  tagiliran.

Kasalukuyang ginagamot ang dalawa sa East Avenue Medical Center habang patuloy ang follow up operation ng Quezon City Police para sa ikadarakip ng suspek kung saan nabatid na nakarehistro ang naturang van sa  isang taga-Cembo, Makati City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply