Ayaw ng kissing at crying scenes! (Bongga!)

ISABELLE Diaz finally tries acting via the new afternoon soap “Faithfully” because she is bind by her GMA contract, according to her. Pero sinubukan na rin daw niya ang pag-arte as a challenge. Ang ayaw lang niya ay ang kissing scenes at crying scenes kasi she’s a neophyte raw pagdating sa pag-arte.

Marami pa rin ang nagtatanong sa kanya kung kelan daw siya sasali sa Bb. Pilipinas and be a beauty queen herself just like famous mom, Gloria Diaz. Pero wala raw talaga siyang interest and her mom is not pressuring her naman to join a beauty pageant.

Kasama niya sa Faithfully sina Maxene Magalona, Isabel Oli, Vaness del Moral at Michelle Madrigal. Napansin namin na walang major male star as male leads ng teleserye na sina Marc Abaya, Mike Tan, Victor Aliwalas, Will Devaughn at Kevin Santos, so it’s really the female leads ang magdadala ng show.

***

OBVIOUS na bini-build-up nang husto ng GMA ang young loveteam nina Alden Richards at Louise delos Reyes. Aba, they are now starring on their very own primetime series, One True Love, na same title ng pelikula noon nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kaya pwede ring sabihin na sila na ang susunod sa mga yapak nina Dong at Marian considering na ang pinalitan nila ay ang My Beloved ng dalawa kung saan kasama rin sila sa cast bilang support.

Malayo na nga ang narating nila kaysa sa una nilang pagtatambal sa “Alakdana” noon na isang pang-hapon na teleserye.
And this time mukhang mas nakakaangat pa nga si Alden dahil obvious na bini-build-up ang young actor ng GMA after Aljur Abrenica. Isang pruweba nito ay ang pagka-cast ni Alden sa The Road na naipalabas pa sa States commercially.

Sabagay, bagay naman talaga silang dalawa ni Louise kaso mukhang hindi makadiskarte si Alden sa kanyang ka-loveteam na aminado siyang crush niya. Nandyan kasi si Enzo Pineda na balitang boyfriend ngayon ni Louise na ayon na rin kay Alden ay laging bumibisita sa taping nila ng My beloved dati.

Pero ngayon ay nagulat kami at dine-deny na ni Louise ngayon si Enzo. Kesyo friends lang daw silang dalawa unlike sa mga nauna naming interviews sa young actress na umamin na malapit sa puso niya si Enzo. Hindi kaya napagsabihan na siya na tigilan na ang romance niya kay Enzo?

Marami siguro ang hindi nakakaalam na sumali si Alden sa StarStruck Batch 5 kung saan nanalo si Steven Silva pero hindi man lang siya nakasama sa Final 14. Pero ano ka? Mas sikat pa siya ngayon kaysa sa winner na si Steven! Ang buhay nga naman!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply