Azkals nilapa ang Guam

WALANG kahirap-hirap na tinalo Philippine football team Azkals ang Guam sa kanilang friendly game na ginanap sa Panaad Stadium sa Bacolod City kanina.

Panalo ang Azkals sa pamamagitan ng tatlong goals, habang zero ang Guam.

Nakuha ng Azkals ang 3-0 score nang agad pumuntos ang grupo sa pangunguna nina Angel Guirado at Carli de Murga.

Ito ang ika-limang panalo ng Azkals sa Panaad Stadium sa anim nilang mga laro sa nasabing venue.

Naglaro sa Azkals sina Neil Etheridge, Rob Gier, Jason Sabio, Phil Younghusband, Dennis Cagara, Angel Guirado, James, Younghusband, Carli de Murga, Dennis Wolf, Gerry Lucena, Marwin Angeles, Misagh Bahadoran, Jason de Jong, Anto Gonzales at Jeffrey Christiaens.

Ang laro ay FIFA-sanctioned.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply