Azkals sasabak sa 2012 AFF Suzuki Cup

BUBUO ng de kalibreng line-up ng Philippine Azkals si German coach Hans Michael Weiss para sa 2012 Asean Football Federation (AFF) Suzuki Cup na idaraos sa huling bahagi ng taon.

Pakay ni Weiss na magkaroon ng mas matitikas na pambansang koponan para matiyak na pormado ito sa sandaling maisalang ang ilang European-based players tulad nina Stephan Schrock, Neith Etheridge, Dennis Cagara, Paul Mulders, Manny Ott at Jerry Lucena.

“We want to form the strongest team possible in the Suzuki Cup that’s why we made some experiment to test the players to see other options. Because we don’t what will happen six months from now. What if they got injured?,” ayon kay Weiss.

Nakita ang unang eksperimento ni Weiss sa nakaraang mga laban ng PHL Azkals kontra Indonesia Merah Puti kung saan hindi isinalang sa first half sina James at Phil Younghusband at Etheridge.

Posibleng ito rin ang gagawin ni Weiss sa Hunyo 12 na susunod na laban sa Panaad Stadium sa Bacolod kung saan makahaharap ang Guam National Football Team.

Magiging kulang sa line-up ang PHL Azkals sa pagsalang kontra sa Guam dahil walang Caligdong at Ott na lalaro bunga ng tinamong red cards sa kanilang laro laban sa Indonesia.

Napunta sa 2-2 draw ang FIFA international friendly match ng Pilipinas at Indonesia noong Martes na idinaos sa Rizal Memorial Football Stadium. Nagbuhat ang dalawang goals kina James at Phil.

“We are using the three matches in June to test several options, to test several players and to test several formations,” ani Weiss na gustong pamarisan ang semifinal finish ng Pilipinas sa nakaraang 2012 edition ng Suzuki Cup.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply