Azkals tumabla sa Indonesia

NAPATAAS ng Philippine Azkals ang antas ng paglalaro makaraang rumehistro ito ng 2-2 na tabla kontra  malakas sa Southeast Asia na Indonesia sa idinaos na FIFA international friendly match noong Martes ng gabi.

Inasahan ng national team sina James at Phil Younghusband na dumale ng 2 puntos sa harap ng kanilang fans sa Rizal Memorial Football Stadium.

Pitpitan ang simula ng game at dito umaariba si Angel Guirado pero sumablay ang unang puntos ng Azkals. Depensang malupit naman ang pinagana ng goalkeeper na si Roland Muller para mapigilan ang tangka ng Indonesia.

Nag-init sa simula ang mga guest team sa second series ng pagratsada na nagawa ni Patrick Wanggai para lumamang sa 1-0 ang Indonesia makaraang humataw ng isang header sa 57 minuto ng laban at kumana rito si top goalkeeper  Neil Etheridge. Pumalit si Etheridge kay Muller sa second half.

Kaya naman bumawi ang PHL Azkals sa itinalang impresibong goal ni James sa ika-59 minuto ng laban at itarak ang tablang iskor na 1-1.

Isa pang goal ang kinana ng Indonesia sa bisa ng striker na si Irfan Bachdim para sa 2-1 bentahe.

Nabawasan ang PHL Azkals sa ika-80 minuto ng laban dahil nabigyan ng red cards sina Chieffy Caligdong at Manny Ott. Ang itinarak ni Phil na ikalawang goal ng PHL Azkals sa huling sandali ng laban ang naitablang muli ng Pilipinas  ang laban.

Laban sa Guam naman ang sunod na aksiyon ng PHL Azkals para sa ikatlong international friendly match ng team na idaraos sa Hunyo 12 sa Panaad Stadium sa Bacolod.

Aalis ang team patungong Bacolod City sa Sabado.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply