Babae tumangay ng bag sa loob ng ospital, arestado

BISTADO na ang modus operandi ng isang babae na nagpapanggap na pasyente matapos maaktuhan na kinuha ang bag ng isang dalaga sa loob ng ospital sa Caloocan City, Linggo ng gabi, Hunyo 17.

Nakilala ang suspek na si Mila Delos Santos, 42 ng Llana st., Tondo, Manila.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi, ipinatong ni Angela Marie Velasco ang dalang bag na naglalaman ng P2,500 sa isang lamesa sa loob ng President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sa A. Mabini ng lungsod na nilapitan ng suspek na nagpapanggap na pasyente.

Nang malingat si Velasco ay agad na kinuha ng suspek ang bag at lumayo subalit may nakasaksi na naging dahilan upang sabihin sa biktima.

Agad na humingi ng tulong sa mga guwardiya si Velasco na naging dahilan upang madakip at mabawi ang bag ng una.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply