Babala ni Enrile, dinedma ng Malakanyang

PATAY-MALISYA lang ang Malakanyang sa naging babala ni Senate President Juan Ponce-Enrile na mapanganib sa lahat kapag nagpatuloy ang pagharang ng pamahalaan sa pagpapagamot ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa ibang bansa na posibleng malagay sa delikadong situwasyon ang kalusugan nito.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bahala na ang Pasay City RTC Judge Jesus Mupas na may hawak sa kaso ni Arroyo kung ikokonsidera nito ang opinyon ng senador.

Nauna nang nagbabala  si Enrile laban sa hirit na ikulong si Arroyo sa regular na kulungan tulad ng ibang mga preso.

Sinabi pa ni Usec. Valte, nananatili naman ang posisyon ng Palasyo na dapat ibigay ang kaukulang kortesiya sa dating Pangulo dahil sa kanyang karamdaman.

Sa ngayon, humihirit si Arroyo na makapagpiyansa at pansamantalang makalaya habang hinaharap ang kasong electoral sabotage sa Pasay City RTC.

“It is up to the presiding judge if Sen. Enrile’s position will be taken into consideration in the resolution of CGMA’s pending petition for bail before the Pasay City RTC,” ayon kay Usec. Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply