Babala sa mga magulang at bata

KALAT na kalat ngayon sa internet ang umano’y candy na lalong kilala sa tawag na “strawberry quick” o “strawberry meth”,  isang uri ng droga na nagtataglay ng kemikal sa paggawa ng shabu ang umano’y ipinamimigay sa iba’t ibang eskuwelahan maging ito ay pampubliko o pampribadong paaralan.

Nakababahala ang nasabing babala dahil hindi lang ang mga lulong sa droga ang pinupuntirya nito kundi maging ang mga inosenteng kabataan na walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran ang target ngayon ng mga hayop na sindikato ng droga.

Sinasabing ang nasabing mga ipinakakalat na candy ay nakamamatay umano lalo na sa mga kabataan dahil  nagtataglay ito ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu.

Dapat sigurong mai-alarma ito ng Philippine Drug Enforcement agency o PDEA sa lahat ng mga paaralan, lalo na ang mga nasa elementary at high school. Dapat ding makipag-ugnayan ang PDEA sa mga guro para mamonitor ang mga nagtitinda ng mga pagkain sa labas ng paaralan, lalo na ang mga  public school.

Maging ang mga magulang ng mga estudyante, lalo na ang mga nasa elementary at high school, ay dapat ding makialam tungkol sa kumakalat na candy na isang uri pala ng droga para mapagsabihan ang kanilang mga anak na huwag tatanggap ng candy mula sa hindi kilalang tao o kahit na sa kanilang mga kaklase.

Ayon sa ating source, sa nga-yon ay ipinamimigay ito ng libre sa mga kabataan at maging sa labas ng mga paaralan.

Ngayon natin masusubok ang mga security guard ng mga paaralan kung gaano sila kaepektibo sa kanilang mga tungkuling bantayan ang kapakanan ng mga estudyante.

Huwag sanang balewalain ng publiko, lalo na ang mga magulang at ng ating mga law enforcer ang nakaaalarmang babala na ito.

Ayon sa ating source mula sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, mas tumaas daw ngayon ang bilang  ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at tumaas din ang demand nito rito sa ating bansa.

Ang nakapagtataka lang ay kung bakit walang magawa sa lumalalang problema ang ahensyang nakasasakop dito gayong  nasa ilalim ito ng tanggapan ng Pangulo.

Sabagay, papaano nga namang makapagmomonitor ang PDEA sa mga galaw ng mga hayop na sindikato ng droga kung ang kanilang mga sasakyan ay pawang mga kakarag-karag.

Bukod sa hindi makahabol ay madalas pa raw tumirik, anu nga naman ang panama ng mga sasakyang ito ng PDEA sa mga  sasakyan ng sindikato.

Bakit nga ba hindi mabigyan ng magagarang sasakyan ang PDEA gayung kailangang kailangan nila ito samantalang ang ibang ahensiya ng gobyerno ay magagara ang sasakyan gayung ginagawa lang namang service ng mga empleyado.

Nasaan na ang tuwid na daan na ipinangako noon ni Pangulong Aquino? Anu na ang nangyari sa mga daan na ito ? Nagtatanung lang po.

Bukas po ang Lily’s files Column natin para sa inyong mga reklamo , suggestions at kumento , mag text lang pos a  0915-5683000 at 0908-7230036 o kaya ay mag email lang sa …  lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply