Babala vs pekeng gamot

NAKABABAHALA ang balitang lumabas kamakailan tungkol sa paglaganap ng mga pekeng gamot sa merkado.

Base sa ulat ni Catherine Dauphin ng World Health Organization (WHO) na pangunahing lumalaban sa pagkalat ng counterfeit drugs, halos 50 porsiyento pala ng gamot ngayon na nabibili sa internet ay peke.

Aba kung totoo ang sinabi niya ay talagang delikado ito.

Pag peke kasi ang gamot ay siguradong hindi ito dumaan sa tamang proseso ng paggawa at ang resulta siyempre sa halip na gumaling ay lalo pang magkakasakit ang iinom nito.

Sa palagay ko, sa aspetong ito ay dapat na maging mas mahigpit ang ating mga ahensiya gaya ng Department of Health at Bureau of Customs sa pagbabantay para hindi bumaha ng pekeng gamot sa bansa.

Naalala ko tuloy ang kaibigan ko na si Nats na minsan ay tuwang-tuwa na lumapit sa akin para ibalita na nakabili siya ng murang  gamot na ginagamit ng mga lalaki para maging mas matikas sa kama.

Pero nang inumin niya ang gamot, sa halip na matulungan siya para maging astig ay puro sama nang loob ang inabot niya.

Iyon pala ay dahil peke ang nabili niyang blue pill kaya tuloy napahiya siya sa partner niya.

Hehe!! Kawawa naman siya.

Lumalabas pa sa ulat ni Dauphin na gaya ng inaaasahan, ang China pa rin ang pinakamalaking source ng mga pekeng gamot na ito.

Ang Tsina ang pinakamalaking player sa US $75-billion pandaigdigang drug counterfeiting industry na ito.

Sa bagay na ito ay wala na tayong dapat ipagtaka, lahat naman talaga ay kayang gawain at pekein sa Tsina.

Mula sa mga gatas, pagkain, damit, sapatos, sasakyan, baril, bala, pati itlog at maging mga missile ay kayang pekein sa bansang iyon.

Kaya ang dapat gawin ng pamahalaan natin ay maging mas mahigpit para labanan ang pagpasok sa bansa ng mga pekeng mga produkto lalo na ng mga counterfeit drugs.

Ang problema nga lang, kaya nagiging tagumpay ang operasyon ng mga iligal ay dahil na rin sa pakikipagsabwatan ng ilang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply