Bacoor, Cavite, proklamado na bilang lungsod

NAIPROKLAMA na ngayon bilang siyudad ang Bacoor, Cavite matapos maipakita ng mga residente ang kanilang suporta para maitaguyod ang plebisito,

Ayon kay Bacoor City Mayor Strike Revilla dakong 12:30 ng madaling araw mapayapa at matagumpay na sinuportahan ng mga residente na may 36,226 ang sumang-ayon sa Republic Act (RA) 10160 o Charter of the
City of Bacoor, ang batas na nagtatakda sa pagiging siyudad ng Bacoor.

Sa naging resulta ng botohan mahigit sa 36,000 ang bumoto ng yes at mahigit 3,000 naman ang bumoto  ng no.

Ang 36,000 boto ay 80% ng kabuuang populasyon sa Bacoor, na binubuo ng may 73 barangay.

Pinangunahan nina Revilla, maybahay na si Chaye, Senador Bong Revilla Jr., Rep. Lani Mercado-Revilla at Board Member Jolo Revilla, ang libo-libong mga botante sa Bacoor sa pagboto sa mga presinto kahapon.

Nauna ritosunod-sunod na caravan at talakayan hinggil sa cityhood ng Bacoor ang isinagawa ng magkakapatid na Revilla upang madama ang pulso ng kanilang mga kababayan at lahat naman ay nagpakita ng mainit na suporta at anila’y wala nang dahilan upang mahadlangan pa ang cityhood na inaasam.

Pinaabot naman ni Mayor Revilla ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumuporta na maging lungsod na ang Bacoor.

Nangako naman ang pamahalaang lokal ng Bacoor City na mas lalo pang paiigtingin ang paghahatid ng serbisyong de kalidad sa mga kababayan nito, lalo na ngayong lungsod na ang kanilang nasasakupan.

Tiniyak naman ng pamunuan ng mga Revilla na tuloy-tuloy na ang konstruksyon ng kanilang ospital, bagong munisipyo, pagpapatayo ng barangay hall, day care center, health centers na mga pangunahing maglilingkod sa mamamayan dito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply