Bading binurdahan ng saksak, tigok

PATAY ang isang pinaniniwalaang bading matapos burdahan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa lungsod ng Victorias, Negros Occidental kagabi (Hunyo 25).

Kinilala ang biktima na si Joseph Alba, 20, residente ng Barangay 18-A ng naturang lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Victorias PNP, dakong alas-11:00 kagabi nang matagpuan ang biktima na duguang nakahandusay at tadtad ng saksak sa post number 2 Victoria Milling Company.

Sinabi ni Victorias PNP chief P/Supt. Alex Munoz na bago namatay ang biktima ay nakapagsumbong pa ito na nahold-up siya ng tricycle driver na kanyang sinakyan.

Sa ngayon may identity na ang mga awtoridad sa suspek na pinaghahanap na ngayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply