Bading pinosasan sa beauty pageant

BACNOTAN, La Union — Nagulat ang mga miron at organizers ng isang timpalak pagandahan nang arestuhin ng mga pulis ang isa sa mga judge na bading sa Barangay Ballugo.

Sa ulat ng mga tauhan ni P/Sr. Insp. Ismael Gauna, hepe ng PNP Bacnotan, may warrant of arrest ang nasakoteng si Ellan Dion Benitrez, 25, residente ng Brgy. Mabanengbeng ng nasabing bayan kaugnay ng kasong illegal recuitment at estafa.

Nabatid na nagbigay-daan upang maaresto ang suspek nang umakyat ito sa entablado upang ipakilala ang kanyang sarili na isa sa mga hurado sa beauty pageant.

Dahil dito, binantayan na ng mga pulis ang suspek at nang matapos ang awarding ay agad itong nilapitan at sinilbihan ng warrant of arrest. Sa bisa naman ng piyansang P50,000 ay agad ding nakalabas sa selda ang suspek at pansamantalang nakalaya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply