‘Bagman’ sa Cavite at tunay na Isko Moreno

MARAMI ang napaniniwala ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na palibhasa dating mahirap ay nasa puso pa rin niya hanggang ngayon ang mga kalugar na mahihirap sa Tondo, Manila.

Ano? Silang mga naghihikahos kaya ang nasa puso ni Isko sa tuwing nakasalampak siya sa casino at nagpapatalo ng malaking halaga?

Ayon pa sa ating tawiwit, kapag umuwing talunan si Isko ay tiyak namang luhaan ang maraming Intsik na may mga transaction sa opisina ng Vice Mayor.

Bakit madalas ba ang “advance” ni Isko? Hehehe!

Ito raw ang madalas sabihin ni Isko, walang magagawa, kosa, olat na naman eh!

Natatandaan ko pa, parekoy, ‘yang istayl ng pangungusap ni Isko sa panahon ng hostage drama sa Luneta noong sumisipsip pa siya kay Mayor Lim.

Kung ikukulong nila si yorme ay sasama na ako sa oblo!”

‘Langya ka rin, Isko, hano, bolero ka ring hinayupak ka!

Sasama ka sa oblo, eh, dito pa nga lang sa basla ay kumalas ka na! Hak, hak, hak!

Dehins ka mauolat niyan kosa dahil nakalonta ka agad sa ma-erap, hehehe, pwe!

Kahit olat na subi pa!

Birthday naman ni Mayor Lim noong mangako ito … Sa mga nag-iisip na kakalas ako kay meyor, sori kayo, dahil walang iwanan ito!!!

Kung tayo ang tatanungin, parekoy, excess baggage lang naman ni Lim itong si Isko. Ang malungkot lang dahil bata pa ay may talent na ang buwisit na ito, kung ano ang sinasabi saliwa ang ginagawa! Pwe!

Bagman sa Cavite

PAULIT-ULIT na itinatanggi ni Cavite  Provincial  Director  Sr. Supt. John Bulalacao na “bagman” niya itong si Marlon. Pero kung gaano kabilis ang pagtanggi ni Bulalacao ay ganoon naman katulin si Marlon sa pangongolekta sa lahat ng iligalista sa Cavite.

Ang masakit, parekoy, dahil tuwing Martes, pagkatapos ng collection ay doon ito tumutuloy sa Provincial Headquarters!

Matanong lang kita Col. Bulalacao, hindi kaya nahawa ka na ng dila ni Vice Mayor Isko Moreno? Na ang sinasabi ay saliwa sa gawa!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply