Bagong kalsada pumapatay

MAG-INGAT sa mga bagong kalsada, lalo na ang mga inaaspalto.

Ang mga pataas o pababa ang pinakadelikado.

Dumarating sa atin ang ilang ulat na marami ang nadidisgrasya sa mga ito dahil sa dulas ng mga kalsadang ito.

Sa ulat sa atin, hindi lang paisa-isa kundi mas marami ang mga namamatay sa mga disgrasya rito.

oOo

Ang mga nakamotorsiklo ang sinasabing pangunahing biktima rito.

Sumusunod ang iba pang mga motorista.

Ang lalawigan ng Bulacan, halimbawa, ay napauulat na may maraming kasong ganito.

Sa bayan lamang ng Sta. Maria, sunod-sunod ang mga aksidente na dahil sa nabanggit na kondisyon ng kalsada.

Madulas na nga umano, karaniwan pang walang marka ang mga ito bilang gabay sa mga motorista.

oOo

Sa pag-uusisa naman natin, totoo ngang maraming kalsada ang inaaspalto at walang marka at tunay ngang delikado.

Araw man o gabi, madidisgrasya ka talaga sa dulas ng mga aspaltadong kalsada.

Lalo ng delikado sa gabi ang pagbibiyahe sa mga ito dahil sa kawalan ng mga markang gabay sa mga motorista.

oOo

Pero alam ba ninyo na hindi lang ang mga may depektong kalsada ang dahilan ng mga disgrasya?

Por eksampol sa hanay ng mga nagmomotorsiklo.

Ang daming matitigas ang ulo sa mga batas at ordinansa sa helmet.

Ewan natin kung bakit ayaw magsuot ng helmet ang nakararami sa mga nagmomotor lalo na sa mga lalawigan.

At ito ang pinakadelikado, suki.

Ang daming karerista at mayayabang na walang kaalam-alam sa mga batas ng trapiko.

Kung magpatakbo ang mga ito ay parang mga ahas sa kalsada hanggang sa umabot na nga sa mga sagian at banggaan ang lahat. At kamatayan na rin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply