Bagong NPC officers suportado ng ALAM

SUPORTADO ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) ang buong bagong administrasyon ng National Press Club.

Ayon kay ALAM Chairman Jerry Yap, naniniwala ang ALAM na malaki pa ang magagawa ng bagong pangulong si Benny antiporda sa NPC dahil marami na siyang napatunayan noong una siyang manungkulan.

Aniya, swak na swak si Antiporda na maging presidente ng NPC dahil alam niya ang mahirap na kalagayan ng mga maliliit na correspondents.

Si Antiporda ay naging correspondent muna bago naging kolumnista hanggang sa maging publisher ng tabloid na Remate.

Bilang outgoing president ng NPC, naniniwala si Yap na itutuloy ni Antiporda ang mga proyektong nasimulan niya, tulad din ng ginawa niyang pagtutuloy sa mga proyekto nito noong siya ang manalong pangulo.

Ilan sa mga proyektong nais ni Yap na maituloy ay ang scholarship, livelihood housing program para sa mga reporter at correspondents na kulang ang sinusweldo.

Ani Yap, tulad ng ibang trabahador, kinakapos din ang mga mamamahayag dahil kadalasang maliit lamang ang kanilang sweldo.

Kung mananalo umano ang ALAM sa darating na eleksyon, mas marami pang tulong ang maibibigay nila sa NPC.

Idinagdag pa ni Yap na magtutulong ang ALAM at NPC upang maisaayos ang kapakanan ng mga miyembro ng media at ng kanilang mga pamilya.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply