Bagong patakaran sa gov’t fees, inupakan ni Recto

HINDI matanggap ni Sen. Ralph Recto ang bagong patakaran ng gobyerno na ibigay sa kamay ng bawat kalihim ang pagtatakda ng pagtaas sa singilin ng gobyerno dahil panibagong pahirap na naman sa mamamayan.

Sa ipinalabas na pahayag nitong Linggo, sinabi ni Recto na kapag inalis sa kapangyarihan ng National Economic Development Authority (NEDA) ang kapangyarihan na magtakda ng singilin, sasalungatin nito ang patakaran sa check and balance ng gobyerno.

“Kung ibibigay natin sa kamay ng miyembro ng Gabinete ang magdesisyon sa pagtatakda ng singilin sa gobyerno, sasalungatin nito ang patakaran sa check and balance sa gobyerno,” ayon kay Recto.

Aniya, lubhang apektado dito ang pangkaraniwang mamamayan na kumukuha ng NBI clearance, passport at iba pang government permits at lisensiya sanhi ng walang patumanggang pagtaas ng singil.

“Kung bibigyan ng kapangyarihan ang Department of Finance (DOF), magkakaroon ng kapangyarihan ang lahat ng ahensiya at kawanirah na magtaas ng singilin na lubhang pabigat sa publiko,” giit ni Recto.

Salungat umano ito sa pambansang kampanya na maging accountable at transparent ang lahat ng pampublikong opisyal sa kanilang tungkulin kung tatanggalin sa kamay ng NEDA ang kapangyarihan na aprubahan muna ang pagtaas ng singlin bago ipataw.

“The proponents said the process of going through the NEDA approval is cumbersome and,  by extension breeds inefficiency.  But I say it’s not always a question of expediency but also about transparency,” ayon kay Recto, dating NEDA chief.

“Kaliwa’t kanan na ibinabandila ang waiver, hindi ko maisip na tatanggalin din sa NEDA ang overight functions nito sa government fees,” dagdag ng senador.

Nakatakda sa Memorandum Circular 137 at pinagtibay pa ng NEDA Circular Nos. 01-2007, 01-2008 at 01-2010 ang kapangyarihan ng NEDA na magsuri at aprubahan ang panukalang pagtaas sa fees at charges na kinukuha ng gobyerno sa transaksiyon ng publiko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply