Bagong sama ng panahon namataan sa Mindanao

NAMATAAN ng PAGASA ang batay sa kanilang satellite and surface data ang bagong Shallow Low Pressure Area (SLPA) sa 180 kilometro ng Silangan ng Mindanao.

Ang nasabing SLPA ay maliit ang tsansang maging bagyo ngunit magdudulot ng kaulapan at pag-ulan sa eastern section ng bansa.

Sa pagtaya ng PAGASA, makararanas ang Kalakhang Maynila ng bahagya hanggang maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Sa Mindanao naman ay magkakaroon ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Magiging bahagya hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang nalalabing bahagi ng bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply